Graduate Seminar on     Algorithms, Theory and Discrete Mathematics  (GS-ATDM)

Organized and Moderated by Henry Adorna (part of CSP SIG-MACS activities)

PAUNAWA....

Ito ay nagsimula bilang mala-palihan ng mga mag-aaral ni Henry Adorna na kumukuha ng pagka-Paham sa larangan ng Informatikang Teyoretikal.   Ang pawang panayan sa tipanang  pangkarunungan agham, sipnayan at informatika na ito ay hango sa mga pananaliksik na ginagawa at gagawain ng bawat tagapagsalita.  

Hinahangad ng pagatitipon na ito na magkabahaginan ng mga kuro-kuro at hinuha ukol sa mga suliraning pang-informatika at sipnayan maaaring maipahayag sa bawat panayam na maihahatid.  Hinihikayat ang sinumang may matimyas na asam sa pag-aaral ng informatika at sipnayan na makisalamuha at makipagpalitan ng pang-unawa at kuro-kuro sa larangan ng "algorithms, theoretical informatics," at " discrete mathematics."

Kung nais mag-ambag ng panayam tungkol sa inyong pananaliksik o kaalamang nakalap mula sa mga pahayagang-agham ay maari lamang pong makipag-ugnayan at magpadala ng liham-elektroniko sa <hnadorna@up.edu.ph> at sabihin ang inyong pakay.

Ang mga nakalipas na Panayam: